Takipsilim - Roniel Medina
Roniel Medina
Creative Web Designer
0   /   100
Start Reading
465159866 866040329032042 3092257461460299277 n

Takipsilim (TWILIGHT)

Nawalan na ng kulay ang mga obra
Nawalan na ng guhit ang mga letra
Nawalan na ng melodiya ang musika
Mga salitang di kayang mamutawi sa labi bagkus sa pluma at tinta idinidikta

Kinuha ang kwaderno at sinubokang maghabi ng isang piyesa subalit mga salita’y di magawang kumawala.
Walang bilang bawat pantig
Malaya ang bawat taludtod

Hangang nasumpungan ang isang larawan
Bawat guhit madilim at madiin
Isang obrang nagbabaka sakaling mabigyan rin ng pansin
Magulo! walang direksyon ang bawat hagod ng tinta

Mabilis kabog ng dibdib, balisa at puno ng pangamba
Pilit lumalangoy sa dagat ng aking luha
Sa kalungkutan ng buhay nakikipagdigma
Pluma aking sandata papel aking panangga at dugo bilang syang tinta

Mga tanikalang bumabagabag sa isipan saksi ang kalawakan
Pinipilit abotin kanilang pamantayan
Mga takot at pangamba’y labanan
Sa gitna ng digmaan pagsuko’y syang maghahatid kay kamatayan

Nagmumuni muni sa kawalan
Habang nakatanghod sa kalawakan habang hinihintay paglubog ng araw kasabay ng pagsikat ng buwan
Habang ninanamnam simoy ng hangin at daluyong ng alon sa dalampasigan

Lumalalim na naman ang gabi hudyat na naman ng pagtangis at pagsisisi
Naliligaw, nawawala, hinahabol ang sarili
Nagkukubli sa mga matang mapang-api

Ako’y bihag sa isang kahon
Gusto ko ng lumaya sa sariling pagkakakulong
Piitan ko’y aking isusulong sa paglaya ko’y lilisanin na ang kahapon

Mga demonyong naglagay saking silid na puno ng ganid
Kasamaan kahit kailan may di masasaid
Mga tinik saking lalamunan at balakid
Saking paglaya dugo ang babahid

Kadiliman ay aking lalamonin
Sa hamon ng buhay kahit anong harang wasakin
Pumagitna man ang impyerno aking susuongin
Patuloy na magliliyab kaluluwa man ay sunogin

Simula na ng digmaan wala ng atrasan
Sa digmaan ng buhay dalawa lang ang kasasadlakan tagumpay o kamatayan
Ang nagwagi ay titingalain at papalakpakan subalit ang nasawi’y pagpipyestahan ng mga uwak na uhaw sa laman

Mga kadenang sakin ay nakagapos dito na magtatapos
Tumakbo kahit naghihikahos sumigaw kahit tinig ay mapaos
Lalampasan kahit anong unos
Lumaban hanggang sa kandila ng buhay ay maupos

Ako ngayon sa pagkakakulong ay lalaya Kinabukasan man ay di pa alintana
Subalit tutungo na sa aking bagong pahina
Paglalakbay ko’y iuukit at isasakataga
Balang araw paghihirap ko’y magiging inspirasyon buhat sa isang akda

Itapon sa sansinukob mga lihim na paninimdim
Wag matakot sa paglubog ng araw at pagsapit ng takipsilim
Hindi sa lahat ng oras hatid ng kadilima’y lagim
Lagi mong tatandaan mas nagliliwanag ang apoy sa dilim

Ps: if you’re suffering from stress, burnout, lossing passion on what you do, anxiety or depression just throw it to the universe. Stay strong be bold

English Translation

The colors have faded from the canvas,
The lines have left the letters,
The melody has slipped from music,
And words that lips can’t dare release now seek the pen and ink to speak.

I took up my journal, tried to weave a piece,
Yet the words would not break free.
No count for each syllable,
Each line drifting freely.

Until I found an image,
Each stroke dark and bold,
A piece that seeks a glimmer of notice.
Chaotic! The ink’s every sweep holds no direction.

My heart races fast, anxious and trembling,
Struggling to stay afloat in a sea of tears,
Battling sorrow’s relentless waves,
My pen as my weapon, my paper as shield, blood as my ink.

These chains binding my mind bear witness to the heavens,
I reach, straining to meet their standards,
Fighting fear and dread alike—
In this war, surrender means death.

Reflecting in the emptiness,
Watching the sky, waiting for the sun’s descent and the moon’s rise,
Feeling the breeze and the waves crashing on the shore.

Night deepens again, a signal to mourn and regret,
Lost, wandering, chasing after myself,
Hiding from judgmental eyes.

I am a captive in a box,
Longing to break free from my self-imposed prison,
I will push forward until I’m freed and leave the past behind.

Demons placed me in this greedy cell,
Evil that could never be quenched.
Thorns lodged in my throat, barriers in my path—
In my freedom, blood will stain the way.

I will swallow the darkness whole,
No obstacle will keep me from life’s challenges;
Even if hell blocks my path, I will enter,
My soul ablaze, burning endlessly.

The battle has begun, no turning back now.
In life’s war, there are only two ends: triumph or death.
The victor stands tall to applause, but the fallen,
Feasted upon by ravens, craving flesh.

Chains that have bound me end here.
I will run, though gasping for breath, shout though my voice goes hoarse,
Endure any storm that comes,
Fight until life’s candle burns to the last.

Now I’ll be freed from this prison,
Though the future is yet unknown,
I’m turning to a new page,
Etching my journey into words.
One day, my struggle will be an inspiration, a tale worth telling.

Cast your secret sorrows to the universe,
Don’t fear the sunset or the coming of dusk.
Darkness doesn’t always bring doom—
Remember, the fire shines brightest in the dark.

roniel medina
www.ronielmedina.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *