Panata Ng Isang Mandirigma - Roniel Medina
Roniel Medina
Creative Marketer
0   /   100

Panata Ng Isang Mandirigma

Start Reading

Panata Ng Isang Mandirigma

(Unang Kabanata)

Lugmok sa dilim ng kahapon,
Pasan ang mundong walang direksyon.
Tahimik ang sigaw ng aking kahapon,
Hanggang dumating ka’t nagbigay ng layon.


Hindi mo pinili ang ginto o trono,
Pinili mong mahalin ang wasak kong puso.
Sa mata ng iba, ako’y walang kwento
Pero sa’yo, ako’y panimulang totoo.


Hindi ako prinsipe na isinilang sa palasyo,
Walang minanang yaman o titulong ginagalang sa mundo.
Ako’y isang mandirigmang tinuturing na kabalyero,
Subalit darating ang araw itatayo ko ang sarili kong emperyo.


Kung isusulat sa bato ang ating alamat,
Ako’y susuong sa unos ng pag-ibig mong tapat.
Ang pusong minsang tinalikdan sa digmaan ng pangarap,
Ay kabalyerong ngayo’y handang mabuhay o mamatay sa paglingap.


Sinuong ko’t nilabanan ang apoy ng impyerno,
Ang mga alaala’y mga latay sa puso’t isip ko.
Ngunit sa ngalan mo, ako’y naging mas matibay na bato,
Bawat hakbang sa dilim ay alay sa’yong trono.


Bawat galos ko’y alaala ng laban,
Ngunit sa ‘yong ngiti, ako’y muling nabuo’t tumahan.
Ang puso kong wasak, ngayo’y may dahilan,
Pag-ibig mong wagas ang aking kalasag at sandalan.


Sa ilalim ng langit na walang ligaya,
Sa piling mo’y natagpuan ang pag-asa,
Sa gitna ng laban, ikaw ang pahinga.
Salamat dahil sa’yo natutong muling maniwala.


Ikaw ang sagot sa dasal ng mandirigma,
Sa puso kong minsang nilimot ng tala.
Ngayo’y bawat buwan ay isang bagong kabanata,
Ng epikong isinulat ng ating pagsinta.


At kahit saan man tayo dalhin ng tadhana,
Sa init ng araw, o lamig ng gabi’t luha,
Sa dulo ng kwento, habang ako’y may hininga,
Ikaw pa rin ang pamagat ng huling akda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *